Lalaking nakiburol utas nang matabunan ng lupa sa Mt. Province
MANILA, Philippines — Dadalaw lang sana sa lamay ang isang lalaki sa Bauko, Mountain Province nang masawi matapos matabunan ng gumuhong lupa nitong Huwebes.
Kinilala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima na si Andres Sagayo.
Batay sa kanilang ulat, nasa burol bandang alas-10 ng umaga sa Sitio Boga sa Brgy. Monamon Sur ang 59-anyos na lalaki nang matabunan siya ng lupa dahil sa landslide.
Upang masalba ang biktima, isang rescue operation ang ikinasa ng Philippine National Police, Philippine Army at Bureau of Fire Protection - Bauko na nagtagal ng isa at kalahating oras.
Tinitignan na posibleng epekto ang pagguho ng lupa ng nangyaring magnitude 7.0 na lindol sa Cordillera Administrative Region.
Nang makuha ang katawan ni Sagayo, agad siyang dinala sa Lutheran Hospital sa Benguet ngunit idineklara ring dead on arrival. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest