Patay sa Cordillera earthquake umakyat sa 4, sugatan nasa 60 na
MANILA, Philippines (Updated 2:55 p.m.) — Lalong dumami ang bilang ng kumpirmadong patay at sugatan dahil sa sari-saring pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga istruktura bunsod ng magnitude 7.0 na lindol na naka-focus sa epicenter ng Tayum, Abra ngayong Miyerkules.
Ito ang ibinahagi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa isang press briefing kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
"Sixty injured and so far po apat po ang nabalitaang nasawian ng buhay. Four deaths,"
"Of these four, two are in Benguet, one each in Abra and [Mountain Province]... Pagguho po [ng lupa ang dahilan], opo."
Una nang naibalita na isang construction worker mula sa La Trinidad, Benguet ang isa sa mga namatay, matapos mabagsakan ng debris.
Sinasabing 44 sa mga sugatan ang nanggaling mula sa Abra.
Narito ang sinasabing pinsala sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa ngayon:
- municipal roads (29)
- mga tulay sa Abra (3)
- gusali (173)
Nakapagtala naman ng 53 landslides sa ngayon, karamihan dito nangyari rin sa probinsya ng Abra (33).
"Naka-deploy po ang mga kapulisiyahan at mga bumbero po at mga disaster risk [officers] po ng mga [local government units] po sa mga lugar na ito," dagdag pa ni Abalos.
Meron na ring damage na naitala sa probinsya ng Ilocos Sur. Ayon kay Sen. Imee Marcos, napinsala na rin ng naturang lindol ang bell towers sa Bantay, Laoag at Sarrat.
Ilang heritage houses din ang sinasabing gumuho kasama ang ilang istruktura sa Kennon, Paraiso, Pagudpud, Ilocos Norte at Apayao.
Sen. Imee Marcos reports that the belltowers in Bantay, Laoag and Sarrat were damaged. She adds that some heritage houses collapsed along with other structures in Kennon, Paraiso, Pagudpud, Ilocos Norte and Apayao @PhilstarNews
— Xave Gregorio (@XaveGregorio) July 27, 2022
Makikita namang wasak-wasak ang ilang mga bahay at establisyamentong ito sa probinsya ng Abra. Ang ilang istruktura, halos humiga na.
Kanina lang nang palikasin ang mga nagtratrabaho sa Senado sa Pasay kaugnay ng lindol, matapos itong maramdaman din sa Metro Manila.
Rep. Ching Bernos of the lone district of Abra reports that the quake "caused damages to many households and establishments" in the province. Lagangilang, Abra is the epicenter of the magnitude-7.3 tremor, according to Phivolcs ????: Office of Rep. Ching Bernos @PhilstarNews pic.twitter.com/LumbQ9pDHm
— Xave Gregorio (@XaveGregorio) July 27, 2022
Sa kabila nito, wala pa namang mapaminsalang tsumani threat kaugnay ng naturang paglindol batay sa available na datos mula sa Phivolcs.
Una nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mobilization ng rescue at reflief teams matapos ang lindol.
"The president is presently coordinating with the NDRRMC and the [Department of Social Welfare and Development," ani Angeles sa isang pahayag.
"He has ordered and immediate dispatch of rescue and relief teams to Abra."
Sinasabing personal na lilipad si Bongbong patungo sa Abra oras na mabigyan na ng clearance. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest
- Trending