^

Probinsiya

Ex-vice mayor ng Quezon todas sa ambush

Joy Cantos, Tony Sandoval, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Ex-vice mayor ng Quezon todas sa ambush
Inabutan ng mga pulis na patay na sa loob ng kanyang sports car ang dating vice mayor ng Dolores, Quezon province na si Danilo Amat, matapos tambangan at pagbabarilin ng mga ‘di kilalang suspek sa San Pablo City, Laguna kamakalawa.
STAR/File

SAN PABLO CITY, Laguna, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating vice mayor ng Dolores, Quezon ng hindi nakikilalang mga salarin habang ang biktima ay sakay ng kanyang kotse kamakalawa ng gabi sa Barangay San Francisco ng lungsod na ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at likurang bahagi ng kanyang katawan ay kinilalang si Danilo Amat, isa ring negosyante at residente ng Barangay Bungoy, Dolores, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Pablo Police, bandang alas-6:30 ng gabi habang lulan ang biktima ng kulay pulang Ford Mustang (Sports Sedan) at pagsapit sa Seven Street ng nasabing barangay nang paulanan ng punglo ng hindi nakikilalang mga lalaki.

Nang makitang napuruhan ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Agad namang isinugod ng mga saksi ang biktima sa San Pablo City General Hospital suba­lit idineklarang dead-on-arrival (DOA).

Nabatid na matagal nang nakatatanggap ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay si Amat.

Kabilang sa anggu­long sinisilip ng mga aw­toridad na motibo sa krimen ay pulitika.

Si Amat ay tumakbong mayor sa Dolores, Quezon noong May 2022 elections subalit natalo ng incumbent mayor na si Orlan Calayag.

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with