^

Probinsiya

Faith healer sinibak sa leeg ng anak, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Faith healer sinibak sa leeg ng anak, patay!

Dahil sa nawawalang librong Latin

RAPU-RAPU, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang faith healer sa kamay ng sariling anak matapos tagain sa leeg makaraang magtalo dahil lamang sa kanyang “Latin book” sa Purok-4, Sitio Lipata, Brgy. Villahermosa, Batan Island sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot dahil sa isang malalim na taga sa leeg ang biktima na si Antonio Buemia Bechayda, residente at kilalang albularyo sa naturang lugar.

Kinilala naman ang suspek na si James Bechayda, nasa hustong gulang.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, kinom­pronta ng biktima ang kanyang anak hinggil umano sa nawawala niyang Latin book dahilan para mairita ang anak hanggang sa magtalo ang mag-ama.

Gayunman, sa init ng pagtatalo ay bumunot ng itak ang nakababatang Bechayda at biglang tinaga ang tatay na duguang humandusay hanggang sa malagutan ng hininga.

Matapos na mapas­lang ang ama, sumuko ang suspek sa ka­nilang purok leader na si Melchor Bermillo na siyang nag-turn over sa huli sa Rapu-Rapu Municipal Police Station.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with