^

Probinsiya

Rebelde todas sa Bulacan Encounter

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Patay sa engkuwentro ang isa umanong miyembro ng Communist Terrorist Group ng New People’s Army (CTG-NPA) matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad kahapon ng umaga sa Brgy. Kaybanban, dito sa siyudad.

Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan Police director ang napatay na rebelde na si Jovel Agudez, nasa hustong gulang, kasapi ng CTG (KLG Narciso Command) na konektado sa NPA Regional Command na nag-ooperate sa Central at Northern Luzon.

Napatay si Agudez matapos na masukol siya ng pinagsanib na puwersa ng Intelligence Platoon 701IB, Alpha Company 701IB at ng 1st at 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company dakong alas-7:10 ng umaga sa pinagtataguang kuta nito sa Brgy. Kaybanban.

Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng mga sundalo at pulis ang mga kilos ng suspek na positibong nasa listahan ng mga target ng militar na sinasabing kasapi ng rebeldeng grupo.

Nabawi sa napatay na suspek ang isang cal. 5.56 na baril, mga bala, subersibong dokumento at mga personal na kagamitan nito.

CTG

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with