Magkasintahan hinoldap habang nagdi-date: Lalaki pinatay, gf ni-rape
MANILA, Philippines — Isa pang karumal-dumal na krimen ang naganap sa isang magkasintahan matapos katayin ang lalaki habang ginahasa naman ang nobya nito ng hinihinalang mga holdaper habang nagdi-date ang dalawa sa Cagayan de Oro City (CDO), ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Cris Semaña, 20, Grab delivery driver, ng Brgy. Lapasan, CDO dahil sa 10 saksak na tinamo sa katawan habang nagpapagamot sa ospital ang nobya nito na itinago ang pangalan.
Sa ulat ni Col. Aaron Manidan, director ng CDO Police Office, dakong ala-1:30 ng madaling araw nitong Hulyo 17 nang maganap ang insidente sa Coastal Road, San Roque, Lapasan CDO habang namamasyal ang mga biktima.
Sa isinagawang follow-up operation, dalawang suspek sa krimen ang naaresto sa Coastal Road, Barangay Lapasan, ng naturang lalawigan na kinilalang sina Erwin Adame, 35, ng Tabaco, Brgy. Puntod at Rolly Hantak, 41, ng Brgy. Tablon, CDO.
Itinanggi naman ng suspek na si Adame ang paratang subalit lumilitaw sa rekord na may mga kaso itong theft.
- Latest