^

Probinsiya

8 ‘mediamen’ tiklo sa kotong sa perya

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
8 ‘mediamen’ tiklo sa kotong sa perya
Iprinisinta ng pulisya ang walong sinasabing mediamen na nadakip sa checkpoint matapos umanong mangikil ng P8,000 kada buwan sa isang operator ng peryahan kapalit ng proteksyon sa negosyo nito sa Calamba City, Laguna kahapon.
Arnell Ozaeta

LAGUNA, Philippines — Arestado ang walong nagpakilalang mga miyembro ng media matapos kotongan umano ang operator ng isang peryahan sa Calamba City, Laguna, Lunes ng madaling araw.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang damputin ang mga ito  ng mga tauhan ng Calamba City police  sa checkpoint sa Barangay Pacianio  dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison Jr., director ng Laguna Police ang mga suspek na sina Anne Cortez, 32; Eric Florez Floro, 32; Benjamin Javier Jr, 60 anyos; Theresa   Regaza, 27;  Efren  Regaza, 22, pawang taga-Rodriguez, Rizal.

Kasama rin sa ina­resto sina Rose Marie Malazarte, 53, ng Montalban, Rizal; Rodamy Prado, 27, taga-Caloocan City at Christoper Angeles Yu, 47, na isa umanong lehitimong mamamahayag na taga-Maynila at sinasabing lider ng grupo.

Batay sa report, ang mga suspek ay inireklamo ng isang Jinggoy Caha­nap, operator ng single stander amusement sa Calamba City.

Ayon kay Cahanap, nakatigil siya sa checkpoint nang dumating ang mga suspek sakay ng To­yota FX at pilit umano siyang hinihingan ng protection money na P8,000.00 kada linggo. Kung hindi umano siya makapagbibigay ng proteksyon money ay puwersahan daw ipapasara ng mga suspek ang perya nito. 

Gayunman, P2,000 lamang ang naibigay ng biktima kaya hinarass umano siya ng mga suspek.

Habang isinasagawa ang negosasyon, nakatawag sa pulisya ang biktima na kaagad nagresponde at naaresto ang walo.

Narekober sa mga suspek ang iba’tibang mga identification cards kabilang ang press IDs at hinihinalang extortion money.  

Lumalabas na ang mga nadakip ang siya ring mga nagbibigay umano ng maling impormasyon sa social media at police hotlines partikular sa E-sumbong at PNP Info Text na ginagamit diumano ang pangalan ng Calamba City Police Station at chief of police.

“We will investigate this matter. This is a rising concern which we must address to halt the modus operandi of these persons who are patrolling around funfair business establishments to extort money in exchange for ‘the continuity of the business operations,” pahayag ni Ison. - Ed Amoroso

KOTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with