^

Probinsiya

Sekyu ng Laguna Provincial Jail, nalambat sa shabu

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Sekyu ng Laguna Provincial Jail, nalambat sa shabu
Kinilala ng Drug Enforcement Unit (DEU) at Sta. Cruz Police ang suspek na si Eugene Bactad, job order employee ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna.
STAR/File

LAGUNA, Philippines — Arestado ang isang guwardya ng Laguna Provincial Jail matapos makumpiskahan ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Drug Enforcement Unit (DEU) at Sta. Cruz Police ang suspek na si Eugene Bactad, job order employee ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna.

Si Bactad ay nakatalaga bilang guwardya sa provincial jail sa loob ng 9 na taon matapos matiklo sa kanyang illegal na gawain.

Batay sa report ng Sta. Cruz Police, isinagawa ang buy-bust laban sa suspek sa Barangay Bagumbayan at nakabili ang police poseur buyer ng 1 sachet ng shabu.

Matapos maaresto, narekober pa rito ang tatlong sachet ng shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000.

vuukle comment

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with