^

Probinsiya

May-ari ng punerarya binaril sa ulo, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
May-ari ng punerarya binaril sa ulo, utas
Dead-on-the spot dahil sa isang tama ng punglo sa ulo ang biktimang kinilalang si Hernani Almonte Siapno, may-asawa, residente ng naturang barangay at may-ari ng Siapno Funeral Parlor.
STAR/File

LIBON, Albay, Philippines — Bulagta sa harap mismo ng kanyang pag-aaring funeral parlor matapos barilin ng hindi nakilalang gunman sa Zone-2, Brgy. Villa Petrona ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the spot dahil sa isang tama ng punglo sa ulo ang biktimang kinilalang si Hernani Almonte Siapno, may-asawa, residente ng naturang barangay at may-ari ng Siapno Funeral Parlor.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon habang nakaupo sa harap ng punerarya ang biktima nang dumating ang hindi nakilalang suspek.

Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na bumunot ng baril ang suspek at biglang binaril nang malapitan sa ulo ang biktima.

Matapos bumulagta ay mabilis na tumakas ang suspek habang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang narekober ng mga pulis sa lugar.

vuukle comment

BULAGTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with