^

Probinsiya

Civil case laban sa local radio station manager, ibinasura

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Ibinasura ng korte ang civil case na isinampa ng isang dayuhan laban sa local radio station manager ng lungsod na ito.

Sa 3-pahinang na­ging desisyon ni Ho­norable Presiding Judge Melani Fay V. Tadili ng Regional Trial Court Branch 97 na may petsang June 29, 2022 na hindi libelous ang balitang isinulat ni Jojo Perez station manager ng Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo tungkol sa isang dayuhan na inaresto ng pulisya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask may ilang taon na ang nakakaraan.

“The defendants article is not libelous because it is only a fair and true report by defendants using the press release of Police Station 5 Olongapo City, as provided for under Art 354 (2) of the Revised Penal Code,ayon sa desisyon ng korte.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang magpa­labas ng press release ang Police Station 5 na nakasaad na aroganteng kinompronta ng dayuhan ang mga barangay frontliners na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Ang nasabing press release ay isinulat ni Perez at binanggit din nito ang salitang arogante sa kanyang isinulat na balita dahilan upang magsampa ng kasong libelo ang dayuhan.

“The remark “arogante” directed to plaintiff was lifted from the press release and was not the comment or remark of the defendants. In the press release, the word “arrogantly” was used to describe how the plaintiff acted when flagged down for not wearing face mask, that is, by confronting them in an arrogant manner.” Ayon pa sa desisyon.

Nagpasalamat naman si Perez sa kanyang mga abogado na sina Atty.Juanito “Johnny” Atienza at Atty. Noel Atienza dahil sa pagkakadismis ng kanyang civil case.

Matatandaan na una nang ibinasura ng piskalya ang isa pang libel - criminal case laban kay Perez na isinampa rin ng dayuhan kung saan ang mag-amang Atienza rin ang kanyang mga tumayong abogado.

RADIO STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with