^

Probinsiya

P500k pabuya sa makapagtuturo sa kumatay sa dalaga sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P500k pabuya sa makapagtuturo sa kumatay sa dalaga sa Bulacan
Unang nag-anunsiyo si Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad sa kanyang Facebook account na magbibigay siya ng P300,000 reward sa makapagtuturo sa taong pumatay kay Princess ­Dianne Dayor, 24-anyos, ng Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.
Mayor Christian Natividad/ Facebook

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang alkalde na ang nag-alok ng P5 milyon o P500,000 na pabuya para sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na kumatay sa isang dalaga na natagpuan sa isang madamong lugar sa boundary ng Brgy. Tabang at Brgy. Tikay ng lungsod na ito ka­makalawa.

Unang nag-anunsiyo si Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad sa kanyang Facebook account na magbibigay siya ng P300,000 reward sa makapagtuturo sa taong pumatay kay Princess ­Dianne Dayor, 24-anyos, ng Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay Natividad, ayaw na niyang madag­dagan pa ang pagkawala ng mga kababaihan sa lungsod at karatig bayan.

Kasunod nito, naglabas din ng pabuya si Guiguinto Mayor Atty.  Agay Cruz ng halagang P200K para sa ulo ng suspek na pumatay kay Dayor.

Ayon kay Cruz, agarang hustisya ang kailangan ng pamilya ng biktima at sa pamamagitan ng pabuya ay posibleng mapabilis ang pagtukoy at pag-aresto sa  salarin.

Bagama’t pahirapan ang paghahanap sa suspek, tiniyak naman ni P/Lt. Col. Ferdinand Germino na sisikapin ng law enforcement na makakakuha ng hustisya ang pamilya ni Dayor.

Magugunita na apat na araw na nawala ang biktima bago matagpuan ang katawan nito na tadtad ng saksak na halos naagnas na sa damuhan. Umalis siya sa kanilang bahay upang pumasok sa trabaho subalit hindi na nakara­ting doon at hindi rin nakasakay sa kanyang shuttle.

CHRISTIAN NATIVIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with