Doktora Helen Tan nanumpa na bilang 1st lady governor ng Quezon
MANILA, Philippines — Nanumpa na si dating 4th District Rep. Dr. Helen Tan bilang kauna-unahang babaeng gobernadora sa lalawigan ng Quezon matapos ang landslide victory nito sa katatapos na Mayo 9, 2022 elections.
Si Doktora Tan ay nanumpa sa tungkilin nitong Hulyo 1 kay Justice Jhosep Lopez habang nakapatong ang kaliwang palad ng kamay nito sa Bibliya na hawak ng kanyang asawang si Engr. Ronnel Tan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Gov. Tan na --- “tapos na ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng maliliit sa lipunan. Panahon na ng serbisyong may kabuluhan at pakikinabangan ng lahat. Mula sa Distrito Kwatro at ngayon sa buong Lalawigan ng Quezon, handog natin ang “Serbisyong Tunay At Natural para sa bawat tao, para sa bawat komunidad, para sa bawat sektor, para sa bawat barangay, para sa bawat bayan at siyudad patungo sa isang “Isang Malusog at Asensadong Lalawigan na Iniangat ng Maasahang Serbisyo at Makapangyarihang Mamamayan.
Ipinangako ni Tan na bibigyan nito ng importansya ang kalusugan ng lahat ng mamamayan ng Quezon kasabay ng pagbibigay serbisyo sa edukasyon, agrikultura, kabuhayan, inprastraktura, kalikasan, services for education, agriculture, kapaligiran at turismo at mabuting pamamahala. Kasunod ito sa kanyang matagumpay na livelihood, infrastructure HEALING agenda sa ika-4 na distrito ng Quezon.
Bilang may akda ng landmark na batas na “Universal Health Care Act”, ipinangako ni Gov. Tan ang kanyang paninindigan sa mamamayan ng Quezon na magkaroon ito ng access sa komprehensibong bahagi ng kalidad at cost-effective, promotive, preventive, curative, rehabilitative at palliative na serbisyong pangkalusugan.
Dumalo sa makasaysayang inagurasyon sa Quezon Convention Center ang miyembro ng pamilya Tan sa pangunguna ni DPWH Regional Director Ronnel Tan, mga VIPs at mga national at local officials at mula sa religious sector at militar.
- Latest