^

Probinsiya

Antipolo church idineklarang ‘international shrine’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Antipolo church idineklarang âinternational shrineâ
Individuals visit the National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage in Antipolo City on Sunday (June 26, 2022). The National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage has been declared as an “international shrine,” according to the Catholic Bishops' Conference of the Philippines.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Idineklara ng Vatican bilang international shrine ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Vo­yage sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.

Sa website ng Catho­lic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP) nitong Linggo, mismong si Antipolo Bishop Francisco de Leon ang nag-anunsiyo ng magandang balita sa isang banal na misa para sa pagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese ng Antipolo noong Sabado, Hunyo 25.

Ayon kay De Leon, inaprubahan ng Vatican ang kanilang petisyon na pagkalooban ang simbahan ng naturang pribilehiyo.

“We received a letter from Rome saying that on June 18, our national shrine will be recognized as an international shrine,” saad De Leon.

Hinihintay na lamang ng diyoseses ang opis­yal na kopya ng dekla­rasyon ng Vatican.

Ang Antipolo Cathedral ay kauna-unahang international shrine sa Pilipinas at magiging ikaapat naman na international shrine sa Asya kasunod ng St. Thomas Church Malayattoor sa India at ang Haemi Martyrdom Holy Ground at Seoul Pilgrimage Routes sa South Korea.

ANTIPOLO CHURCH

CBCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with