^

Probinsiya

Madugong amok sa kampo, dahil sa babae: Insidente, ‘isolated case’ lang – Army spokesman

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Madugong amok sa kampo, dahil sa babae: Insidente, ‘isolated case’ lang – Army spokesman
Ito ang sinabi ni Army Spokesperson Colonel Xerses Trinidad bunsod ng nangyaring pamamaril sa loob ng Headquarters ng 9th Infantry Division sa Camp Weene Martillana, San Jose, Pili, Camarines Sur.
File

MANILA, Philippines — Isolated case lang ang shooting incident sa loob ng headquarters ng 9th Infantry Division ng Philippine Army (PA) sa Camarines Sur noong Sabado.

Ito ang sinabi ni Army Spokesperson Colonel Xerses Trinidad bunsod ng nangyaring pamamaril sa loob ng Headquarters ng 9th Infantry Division sa Camp Weene Martillana, San Jose, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ni Trinidad ang nasawing si Major Gary Masedman, finance executive officer, habang sugatan naman si Sergeant Manuel Co­lico matapos umanong barilin ng nag-amok na si Captain Martin Anosa Jr. sa kanilang kampo.

Tumakas si Anosa pagkatapos mapatay ang opisyal pero kalaunan ay nagpakamatay umano sa loob ng kanyang kuwarto.

Lumalabas naman na naganap ang krimen nang dahil lang sa isang babae.

Base sa paunang imbestigasyon, nakipagtalo sa kanyang girlfriend si Anosa at humingi ng tulong naman ang babae sa opisina ni Masedman.

Sinundan ni Anosa ang kasintahan sa opisina ni Masedman at walang sabi-sabing binaril ang huli at si Colico.

Sinabi ni Trinidad na magsasagawa pa rin sila ng masusing imbes­tigasyon upang malaman ang tunay na dahilan ng insidente. - Jorge Hallare

SHOOTING INCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with