^

Probinsiya

Mt. Bulusan patuloy ang pag-aalburoto: 5 pagyanig, 865 toneladang abo ibinuga  

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtala ng limang volcanic earthquake ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig sa bulkan ay bahagi pa rin ng  pag-aalboroto nito.

Bukod sa volcanic quakes, nagluwa ang   bulkan ng 865 tonela­dang abo na may taas na 200 metro na napadpad sa kanluran timog kanlurang bahagi ng bulkan. 

Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mt. Bulusan, nananatiling nasa Alert Level 1 ang status sa bulkan.

 Pinapayuhan ang mga residente doon na manatiling mag-ingat at maging alerto at huwag papasok sa loob ng 4  kilometer radius permanent danger zone dahil sa banta ng biglaang pagputok ng bulkan o preatic explosion.

Bawal pa rin ang paglipad ng anumang aircraft o eroplano malapit sa tuktok ng naturang bulkan.

MOUNT BULUSAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with