^

Probinsiya

Oil tanker na may 20K litrong gas, hinaydyak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Nabulilyaso ang pang­ha-hijack ng dalawang pahinante sa isang oil tanker na naglalaman ng mahigit isang mil­yong pisong halaga ng krudo at gasolina makaraang makatakas ang driver at makapagsuplong sa mga otoridad, kamakalawa ng gabi sa Barangay Castanas ng bayang ito.

Nagsasagawa na nga­­yon ng manhunt ope­­ra­tion­ ang mga otoridad upang madakip ang mga sus­pek na sina Vincent Reyes, 31, ng Mauban, Quezon; Philip Magtang­gol; at dalawang kasab­wat nila na nakilala lamang sa mga alias na Joli at Joey.

Ayon kay PLt. Col. William Angway, chief of police sa bayang ito, alas-11:30 ng gabi ay galing sa Azora Depot ang Isuzu oil tanker (NBM-5519) na minamaneho ni Eman Dizon ng Atimonan at idedeliber sa Lucena City ang 20,000 litro ng krudo at gasolina na nagkakaha­laga ng P1,526,000.00.

May ilang minuto pa lamang umanong tuma­takbo ang tanker ay tinutukan ng baril ng dala­wang pahinante si Dizon at inutusan na magtungo sa Eco-Tourism road, su­balit muli silang huminto saka piniringan at tinalian ang dalawang kamay ni Dizon at inilagay ito sa back seat.

Isa sa mga pahinante ang nagmaneho ng tanker at itinapon ang driver sa gilid ng kalye gayunman makalipas ang ilang sandali ay nagawan ng paraan ng huli na maalis ang tali at piring saka nakahingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang mi­yembro ng Sariaya PNP.

Nang makitang du­ma­rating ang mga pulis ay mabilis na nakatalon­ mula sa tanker ang dala­wang pahinante at mabilis na tumakas patungo sa kakahuyan kasama ang kanilang dalawang ka­sabwat.

JOEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with