^

Probinsiya

Rider todas, 3 sugatan sa salpukan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang rider ang nasawi habang tatlo ang sugatan nang magkabanggaan ang minama­nehong motorsiklo at ka­salubong na owner-type jeep sa Antipolo City ka­hapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Cabading Hos­­pital ang biktimang nakilalang si Alfredo Jose, dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan, ha­bang sugatan naman ang backrider na nakilala lang na si Rommel, at nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Hospital.

Nasugatan din ang driver ng nakabanggaan nitong owner type jeep na si Bobby Flores at ang pasahero na ina nito na si Susanita Flores, na nilapatan ng lunas sa Antipolo District Hospital.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang aksi­dente sa Marcos Highway, malapit sa Galaxy Gasoline Station, Sitio Puting Bato, Brgy. Inarawan, Antipolo City.

Nauna rito, minama­neho ni Flores ang owner type jeep kasama ang ina at binabaybay ang kahabaan ng Marcos Highway, patungo sa Cogeo Gate 2, upang magdeliber ng gulay sa kanilang mga kostumer.

Pagsapit sa naturang­ lugar ay nakasalubong at nakabanggaan ang mo­torsiklong minama­neho ni Jose, patungo na­man sa Boso-boso at sa lakas ng salpukan ay pawang nasugatan ang apat na katao at isinugod sa mag­kakahiwalay na pa­ga­mutan ngunit binawian ng buhay si Jose.

Matapos malapatan ng lunas, si Flores ay dinala ito sa Antipolo City Police Station para sampahan ng kaukulang kaso.

ROMMEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with