^

Probinsiya

Sa marahas na dispersal sa hacienda sa Tarlac: 83 katao kinasuhan, operasyon lehitimo – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sa marahas na dispersal sa hacienda sa Tarlac: 83 katao kinasuhan, operasyon lehitimo – PNP
Photo shows the 87 farmers and peasant advocates arrested and charged with obstruction of justice being held at Concepcion Police Station in Tarlac. Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
KMP on Facebook

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kaso ang 83 sa mahigit 90 magsasaka at land reform advocates na ina­resto noong Huwebes sa naganap na dispersal ng mga pulis sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac.

Sa report ni P/Lt. Col. Reynold Macabitas, hepe ng Concepcion Municipal Police Station (MPS), sinira ng mga inarestong magsasaka ang mga tanim na tubo sa nasabing lugar na pag-aari ng Agriculture Cooperative.

Una rito, nanawagan ang Kabataan Partylist at iba pang miyembro ng Makabayan Koa­lis­yon na palayain ang mga magsasagawa na tinaguriang “Tinang 90 plus” dahil sa sinasabing marahas na dispersal ng mga pulis.

Sa kabila nito, iginiit­ ni Macabitas na lehitimo ang kanilang naging­ aksyon matapos mag­responde ang kaniyang mga tauhan sa reklamo ng may-ari ng taniman.

Aniya, tinangka pang manlaban ng mga magsasaka na nagpoprotesta na pilit na hinaharangan ang mga pulis na nagtungo sa Hacienda Tinang sa Brgy. Tinang ng nasabing bayan.

“Yung ginawa namin­ is a purely police operation lang, may nagsumbong sa atin na may destruction ng property­ sa isang barangay, nag­responde lang ang pulis natin dun sa area,” paliwanag ni Macabitas.

Binigyang diin ni Macabitas na taliwas sa alegasyon ng mga lider ng  magsasaka ay walang anumang pang-aabuso sa karapatang pantao ang nangyari.

Nabatid na 83 sa ma­­higit 90 na inaresto ay sinampahan na ng kasong­ illegal assembly kung saan P36,000 ang piyansa kada isa at malicious mischief na may tig P3,000 na piyansa.

Nauna rito, 12 sa mga magsasaka ay pinalaya na kabilang ang limang dayuhan, tatlong artists habang ang iba ay mga menor-de-edad dahil sa kawalan ng probable cause.

Ang mga dayuhan ay sumama lang umano sa research team hinggil sa mga agrarian reform beneficiaries at walang kinalaman sa insidente na pawang kararating lamang sa Pilipinas. — Doris Franche

HACIENDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with