^

Probinsiya

Guro nandakma ng Grade 6 stude, kinasuhan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Isang guro na nandakma umano ng dibdib ng isang babaeng Grade 6 student ang pormal nang kinasuhan kamakalawa ng umaga sa Bulacan Prosecutor’s Office.

Ang magulang ng 13-anyos na dalagita na itinago sa pangalang “Glenda” ay naghain ng sexual harassment laban sa class adviser at guro nito na nakilalang si John Paul Gabriel, 23, ng Brgy. Poblacion, San Miguel,  sa Biak na Bato Elementary School sa Brgy. Biak na Bato ng nasabing bayan.

Unang naganap ang pandadakma sa dibdib ng dalagita noong Mayo 17 ng alas- 7:00 ng umaga sa loob mismo ng eskuwelahan at nasundan pa umano ito ng panghihipo sa kanyang hita.

Nabatid na naulit ang pandadakma ng gigil na gigil na guro sa dibdib ni Glenda nito lamang Hunyo 1, 2022 ganap na alas-10:00 ng umaga.

Dahil sa takot, hindi agad nasabi ng dalagita sa mga magulang ang pangyayari, sa halip naikwento nito sa kanyang pinsan, na siyang nagparating sa kanyang tiyahin.

Bunsod nito, agad kumilos ang mga magulang ng biktima at agad nagsampa ng kasong paglabag sa R.A. 7877, sexual harassment in relation to R.A. 7610 (child abuse).

vuukle comment

KASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with