^

Probinsiya

‘Tulak’ na wanted sa pagpatay, naaresto sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon, Philippines — Nagwakas ang halos tatlong buwang pagtatago sa batas ng isang miyembro ng drug syndicate at sinasabing pumaslang sa kanyang kapitbahay matapos malambat sa isinagawang buy- bust operation kamakalawa ng gabi sa Sitio Mabato, Barangay Ayusan 1 sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Roniel Nuñez, alias “Pungay, 39,  may asawa at miyembro ng  Arnel Saez Drug Group na kumikilos ang operasyon sa bayang ito.

Si alias Pungay ang pangunahing suspek umano sa pamamaril at pagpatay sa isang Michael Dela Cruz noong Marso 22, 2022.

Base sa ulat, alas-9:00 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Lt. Ramil Malipol ang operasyon laban sa suspek. 

Nakumpiska sa suspek ang apat na plastic sachet na may lamang 6.21 gramong shabu at nagkakahalaga ng P126,684.00, at isang P1,000 buy-bust money. 

Nabatid na nagtago ang suspek matapos na mapaslang ang kapitbahay niyang si De la Cruz dahil lamang sa simpleng pagtatalo habang sila ay kapwa lasing sa alak.

Bukod sa kasong paglabag sa R.A. 9165, nahaharap din ang suspek sa kasong murder at ngayo’y nakapiit na sa municipal jail.

vuukle comment

DRUG SYNDICATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with