^

Probinsiya

Barong-barong nasunog: 2-anyos natusta

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 2-anyos na batang lalaki matapos matusta nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sabang, Dasmariñas City.

Sunog na sunog ang buong katawan ng paslit na biktima nang matagpuan ng mga bumbero na nakilalang si John Lloyd Gonzales.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Staff Sgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas Police, dakong alas-4 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa maliit na bahay ng pamilya ng biktima na nakatirik sa gilid ng Presaris High School sa Brgy. Sabang.

Sa salaysay ni  Hannah Mae Ponce, 18-an­yos, natutulog umano silang tatlong magkakapatid kasama ang biktima at ang isa pang 3-anyos na kapatid nang bigla siyang naalimpungatan nang makaamoy ng usok. Laking gulat niya nang makitang naglalagablab na ang apoy sa loob ng kanilang barong-barong.

Sa pagkataranta ni Ponce, ang katabing kapatid lamang niya na 3-anyos ang nabuhat nito palabas ng bahay.

Saka lamang umano nito naalala na naiwan ang biktima sa loob. Babalikan pa umano sana niya ito subalit malaki na ang apoy at halos tupok na ang nasabing barong-barong.

Inaalam pa ni Fire Officer 3 Joevic Manalo, officer-in-charge ng Bureau of Fire sa Dasmariñas ang pinagmulan at sanhi ng sunog na tumagal din ng may mahigit sa isang oras bago tuluyang naa­pula.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with