^

Probinsiya

Tserman todas sa ambush sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng mga hindi pa natutukoy na riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay Bicok sa bayan ng Tuao ng lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ng Tuao Police ang nasawing biktima na si Dante Blanza, 61, residente at chairman ng Barangay Sto. Tomas sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay sa kanyang XRM na motorsiklo ang biktima angkas si Brgy. Kagawad Eduardo Montorio, 61,  nang huminto sila sa gilid ng kalsada para magsuot ng face mask dakong alas-9:00 ng umaga.

Dito na umano sila tinabihan ng isang motorsiklo na sumusunod sa kanila  at agad na pinagbabaril si Blanza sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na isinugod sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival matapos mapuruhan ng punglo sa dibdib habang mapalad na hindi tinamaan ng bala ang kanyang backrider na si Montorio.

Napag-alaman na patungo sana sa Department of Agriculture si Blanza para magsumite ng ilang mga dokumento nang sundan sila ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pamamaslang sa kapitan at matukoy ang mga salarin.

PATAY

XRM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with