Terorista utas sa ‘air strike’ sa Maguindanao
MANILA, Philippines — Patay ang isang hinihinalang terorista sa naganap na engkuwentro at air strike ng Joint Task Force Central at Philippine Army (PA) laban sa Daulah Islamiyah-Turaife Group na nanggigipit umano sa mga residente sa Datu Salibo, Maguindanao kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Lt. Col. Charlie Banaag, commander ng Philippine Army-6th Infantry Brigade, ang nasawi na si Sadam Salandang alyas “Sadam”, umano’y miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan Faction sa ilalim ng isang alyas “Robot”.
Nilinaw naman ni Brig. Gen. Eduardo Gubat, acting commander ng 6ID at JTF Central na isang “preemptive military operations” ang kanilang ginawa at nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng teroristang grupo na Daulah Islamiyah-Turaife na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alias “Abu Turaifie”.
Kasunod aniya ito sa reklamo ng mga residente na nangha-harass ang naturang grupo sa mga komunidad hanggang sa sila ay maispatan sa Sitio Patawali, Barangay Ganta sa Datu Salibo noong Lunes.
“Our troops from 6th Infantry (Redskin) Battalion under Lt. Col. Charlie Banaag responded immediately to secure the populace from this terrorist group. Also, Field Artillery conducted indirect fire aimed at the place where they were hiding. Their forces were further weakened after the close air support was conducted in the right place of the target. This happened because we do not want to disturb the peace, order and security enjoyed by those who live there,” paliwanag ni BGen. Gubat.
Matapos ang operasyon, narekober ang bangkay ng nasabing bandido, maging mga armas at kagamitan na kinabibilangan ng dalawang M16A1 rifles; isang M203 grenade launcher; isang Garand rifle; dalawang carbine; isang Barret cal .50; tatlong magasin ng M16; 12 piraso ng pangunahing bayad sa IED; 19 blasting cap improvised; bandolier; cellphone; 19 piraso bag pack; 11 pirasong 9 volt na baterya;13 na duyan at mga bala.
Dahil sa military operations, sinabi ni 601st Infantry (Unifier) ??Brigade commander Colonel Oriel Pangcog na inilikas ang mga apektadong residente at pansamantalang nanunuluyan sa mga daycare centers ng kani-kanilang barangay sa ilalim ng superbisyon ng MDRRMO Datu Salibo at Shariff Saydona.
Payo ni Gubat sa mga apektadong residente na manatiling kalmado dahil kontrolado ng militar ang sitwasyon.
- Latest