^

Probinsiya

Van rumagasa: Lola at nene patay, 16 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Van rumagasa: Lola at nene patay, 16 sugatan
Agad nasawi dahil sa inabot na matinding pinsala sa katawan ang biktimang kinilalang si Christine Joy Bandola, residente ng Brgy. Tamburan, Bato.
STAR/ File

Sumalpok pa sa poste at bakod

Catanduanes – Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 69-an­yos na lola at 10-anyos na nene habang 16 katao pa ang sugatan kasama ang limang bata matapos salpukin ng isang rumaragasang van ang isang batang babae saka bumangga sa poste at bakod sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Ilawod Poblacion ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa inabot na matinding pinsala sa katawan ang biktimang kinilalang si Christine Joy Bandola, residente ng Brgy. Tamburan, Bato.

Sugatan ang mga kasama ng batang Bandola na sina Mike Angelo Bandola, Dave Michael Bandola at Alendy Taway na nagpapagaling na sa East Bicol Medical Center sa bayan ng Virac.

Namatay naman habang nilalapatan ng lunas ang tinamong mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang pasaherong lola na si Norma Tacorda, 69-anyos ng West Garden Subdivision, Brgy. Bigaa, Virac.

Bahagyang sugat naman ang tinamo ng mga sakay ng van na sina Emi­ly Tolledo Obal, Maryjane Tatel Dela Rosa, Benjamin Dela Rosa Sr., Jayson Tacorda, Marilou Borja at ang mga batang kinilala lamang sa mga pangalang Jen,10; Ben,10; John,7, Angelique,11; Carlo,12; Grace,15; Shaina,16 at Angel,15.

Sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi mula sa bayan ng Gigmoto ay binabagtas ng Hyundai Van (NFW-1563) na minamaneho ni Salvador Tatel, 62-anyos ng District 1, Gigmoto ang kahabaan ng nasabing highway patungong bayan ng Bato. Gayunman, nakaidlip umano ang driver dahilan para mabangga nito ang tumatawid na si Christine Joy at mga kasamahang bata.

Matapos araruin ang mga bata, nawalan ng kontrol ang takbo ng sasakyan at bumangga sa poste ng kuryente at nagpagulong-gulong saka bumangga sa konkretong bakod ng bahay ng nagngangalang Adoracion Rojas.

Mabilis na rumesponde ang mga kasapi ng Bato Police at Bureau of Fire Protection at isinugod lahat ang mga biktima sa pagamutan pero namatay ang bata at lolang si Tacorda.

POSTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with