Tumakbong ‘independent’ sa Eastern Samar: Tindero ng mga gulay nanalong mayor vs doctor
BORONGAN, Eastern Samar, Philippines — Isang vegetable vendor na may puwesto sa pampublikong pamilihan ang iprinoklama ng Comelec na “duly elected mayor” matapos nitong matalo sa katatapos na lokal na halalan ang isang doktor na kapatid ng isang incumbent sa bayan ng Dolores, dito sa lalawigan.
Ang pinaka-nakakamangha sa nangyari ay tumakbong “independent” ang tinderong si Rodrigo “Onoy” Rivera laban kay Dr. Zaldy Carpeso ng partidong PDP-Laban.
Si Zaldy ay kapatid ng incumbent mayor na si Shonny Nino Carpeso na tumakbo naman at nanalo bilang unopposed vice mayor.
Bagama’t ang pagkapanalo ay hindi nanggaling sa “wide margin” subalit nakakuha si Rivera ng 11,508 votes habang si Zaldy Carpeso ay 10,946 boto o may lamang na 562 votes lang. Ang incumbent mayor naman na si Shonny Nino ay nakakuha ng 13,275 votes para magwagi sa vice mayoralty race.
Ang 62-anyos na si Rivera na nagtapos ng second year high school ay dating nagsilbi ng 9 na taon bilang barangay captain ng Gap-ang bago siya nagtinda ng mga isda at gulay sa palengke kung saan umani siya rito ng magandang imahe at pangalan sa kanyang mga kababayan na nagluklok sa kanya bilang bagong alkalde sa kanilang bayan.
- Latest