^

Probinsiya

Tulay bumagsak sa Bohol, 4 patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tulay bumagsak sa Bohol, 4 patay
A sport utility vehicle is precariously perched on a portion of Clarin Bridge in Loay, Bohol, which collapsed on Wednesday, in this photo courtesy of the provincial government.
STAR / File

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang nasa 20 ang sugatan nang gumuho ang tulay sa bayan ng Loay, Bohol, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Loay Mayor Lahar Ayuban ang mga nasawi na sina Arniel Cilos, Emilia Gemina, Epifhany Onada, at isang Australian National na si Michael Ouschan.

Sinabi naman ni Police Lt. Thomas Zen Cheung, information officer ng Bohol Provincial Police Office, nasa 10 sasakyan, kabilang ang dalawang dump truck, ang nalubog sa Loboc River nang gumuho ang Old Clarin Bridge dakong alas-4:10 ng hapon nitong Miyerkules.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng pagguho  ng tulay.

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations na ginagawa ng mga otoridad.

BRIDGE COLLAPSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with