^

Probinsiya

3 sinaksak ng nag-amok na kaanak, suspek napatay!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
3 sinaksak ng nag-amok na kaanak, suspek napatay!
Sinabi ni Villanueva na si Romnick ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte, si Roland ay nasaksak sa katawan at si Maria Criselda ay nasugatan sa mukha.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang sugatan matapos atakihin at pagsasaksakin ng nag-amok na kamag-anak na napatay sa pag-aagawan ng patalim sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Balagtasin 1, San Jose, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Major John Villanueva, hepe ng pulisya ng San Jose ang mga sugatang biktima na sina Romnick Jobog, 24; welder; ama niyang si Roland, karpintero at inang si Maria Criselda, 50. Sila ay ginagamot sa  San Jose District Hospital.

Sinabi ni Villanueva na si Romnick ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte, si Roland ay nasaksak sa katawan at si Maria Criselda ay nasugatan sa mukha.

Napatay naman sa pag-aagawan ng patalim ang suspek na si Reonel Jobog, 42, isa ring welder at pinsan ni Roland.

Sa imbestigasyon, habang mahimbing na natutulog ang nasabing pamilya nang bigla silang mabulabog sa ingay ng suspek na lasing at nagwawala sa labas ng kanilang bahay saka sumisigaw ng “Romnick lumabas ka diyan at papatayin kita”.

Sa kabila nito, hindi pinansin ng mga biktima ang pagwawala ng suspek subalit nagulat na lang sila nang biglang tadyakan ng huli ang pintuan ng kanilang bahay. Nang makapasok sa loob, agad nitong sinaksak si Romnick kaya sinubukang umawat ang mga magulang ng huli pero sila rin ay inundayan ng saksak ng suspek.

Nang mag-agawan sa patalim, nalaglag ito sa sahig kaya pinulot ni Romnick hanggang sa makipag-agawan muli ang suspek na nagresulta upang siya ay masaksak at mapatay.

JOHN VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with