^

Probinsiya

CHR iimbestigahan 'missing priest' na natagpuang nakagapos sa Cavite

Philstar.com
CHR iimbestigahan 'missing priest' na natagpuang nakagapos sa Cavite
Satellite image ng Silang, Cavite mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Labis na nabahala ang Commission on Human Rights (CHR) patungkol sa isang rector at parish priest sa probinsya ng Cavite biglang naglaho nang parang bula at hanggang sa matagpuang nakagapos noong ika-3 ng Abril ngayong taon.

Ika-1 ng Abril nang iulat na nawawala ang paring si Fr. Leoben Peregrino ng Most Holy Rosary Church sa Rosario na noo'y bibili lang sana ng mga kandila sa Imus. Nakita siyang buhay ngunit nakatali sa loob ng kanyang sasakyan sa Silang, Cavite matapos ang 48 oras.

"Updates from the Philippine National Police (PNP) and the Diocese of Imus relay that the priest is presently recovering. The family was said to be also requesting privacy. We hope for Father Peregrino's fast recovery," ayon sa pahayag ng CHR ngayong Martes.

"CHR trusts that the PNP will pursue this case until the truth behind the incident is determined, and its perpetrators are held to account."

Labis namang nagpapasalamat ang kapatid ni Leoben na si Joel sa lahat ng nagpaabot ng panalangin para sa kanilang pamilya kaugnay ng nangyari.

Una nang sinabi ng Obispo ng Imus na si Reynaldo G. Evangelista na "stable" na ang kondisyon ni Peregrino at nagpapalakas sa isang medical facility sa naturang lalawigan matapos ang insidente.

Umaasa naman daw silang maglalabas ng komprehensibong ulat pagdating sa nangyari ang pulisiya.

 

 

Magkakasa naman daw ng sarili nilang motu proprio investigation ang komisyon pagdating sa sinapit ng pari.

"CHR stresses that involuntary disappearance, by way of kidnapping or similar means, is a serious human rights violation," patuloy ng CHR kanina.

"It impinges on an individual's right to liberty and security, and, in extreme cases, may even result in violation of the right to life." — James Relativo

CAVITE

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

INVOLUNTARY DISAPPEARANCE

KIDNAPPING

PRIEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with