‘Hitman’ ng mga politiko nalambat sa Batangas
BATANGAS, Philippines — Bumagsak sa pulisya ang 55-anyos na umano’y miyembro ng “gun-for-hire” group o “hitman” na inuupahan ng mga politiko sa isinagawang police operation sa bayan ng Balayan, dito nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Col Noel D. Nuñez, hepe ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-Calabarzon, ang suspek na si Lorenzo Pedraza Holgado, residente ng Brgy. Santol, Balayan, Batangas.
Nagsilbi ng search warrant ang Balayan Municipal Police na inilabas ni Judge Carolina Faustino De Jesus-Suarez ng Balayan Regional Trial Court para halughugin ang bahay ni Holgado bandang alas-2:10 ng umaga.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang caliber .45 pistols, isang MK2 fragmentation hand grenade, isang caliber .9mm replica, mga bala at iba pang gun paraphernalia.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act in relation to Comelec Resolution No. 10728.
- Latest