^

Probinsiya

Motor salpok sa poste: 2 dedo, 1 kritikal

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay habang kritikal ang isa pa matapos sumalpok sa konkretong poste sa gilid ng kalsada ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon sa Brgy. Poblaciom 4-B, Imus City.

Dead-on-arrival sa opsital ang driver ng motorsiklo na si Vincent Juarez Reyes, 42 anyos, may asawa, housekeeper ng Bacoor City at backrider na si Jessica Cinco Catayas, 42-anyos, tubong Davao City.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang isa pang angkas na si Rhea Cosip, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. John Carlo Punzalan, alas-7:30 ng umaga habang bumabagtas sa Poblacion 4-B Imus City ang Yamaha Mio MC na minamaneho ni Reyes at angkas sina Catayas at Cosip nang bigla silang mawalan ng kontrol.

Dahil sa may kabilisan ang takbo ng motorsiklo, tuluy-tuloy itong sumalpok sa konkretong poste sa gilid ng kalsada at tumilapon ang mga sakay nito.

vuukle comment

CINCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with