^

Probinsiya

BBM, 70-80% na magwawagi vs Robredo sa Mindanao – Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CARMEN, Davao del Norte, Philippines - Ilalampaso umano ni UniTeam presidential frontrunner Ferdinand “ Bongbong” Marcos ang mahigpit nitong katunggali sa pampanguluhan na si Vice President Leni Robredo sa Mindanao kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election.

Sa ambush interview sa political rally ng UniTeam, sinabi ni Lakas- CMD vice presidential candidate Sara Duterte na kumpiyansa siyang mananalo ang ka-tandem niyang si Marcos sa Mindanao Region na itinutu­ring na vote rich area.

“Based on surveys that we have, both private and public, he is about 70-80% already dito sa Mindanao,” ani Sara.

Nitong Miyerkules ay sinuyod ng UniTeam candidates ang Davao del Norte upang hingin ang suporta ng mga botante.

Kasabay nito, ipinagkibit balikat lamang ni Sara ang data noong 2016 nang magpakita ng kalakasan si Robredo sa Mindanao matapos silang maglaban ni Marcos sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

“We will try our best to deliver for Bongbong Marcos in Davao region and based on our survey, he is doing well and we can do more for him., ayon pa sa presidential daughter.

Samantala, wala umanong epekto sa kandidatura ni Marcos ang pag-iindorso ng Partido Reporma kay Robredo.

Ayon kay dating Davao del Norte Governor Anthony del Rosario, secretary general ng Hugpong ng Pagbabago, walang magbabago at magpapatuloy ang mainit na suporta ng mayorya ng mga botante sa kanilang lalawigan kay BBM.

CMD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with