^

Probinsiya

Law student na nagsagawa ng outreach program, nalunod

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Law student na nagsagawa ng outreach program, nalunod
Batay sa naantalang ulat, kinilala ang nasawi na si Justin Gabriel Llana, 30-anyos, certified law student practitioner at isang guro, may asawa at residente ng Paddad, Alicia, Isabela.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang estudyante mula sa Isabela State University (ISU) College of Law ang namatay matapos malunod sa karagatan nang magsagawa ng outreach program sa Dinapigue, Isabela.

Batay sa naantalang ulat, kinilala ang nasawi na si Justin Gabriel Llana, 30-anyos, certified law student practitioner at isang guro, may asawa at residente ng Paddad, Alicia, Isabela.

Nabatid na kasama ang biktima sa mga nagsagawa ng “outreach program” para sa libreng legal assistance sa mga residente ng coastal town ng Dinapigue noong Marso 26, 2022.

Nagkayayaang maligo sa dagat ang biktima kasama ang iba pang law student nang biglang humampas sa kanila ang malalakas na alon.

Masuwerteng nailigtas ng mga mangingisda si Ariel Lioad subalit bigong maiahon ang katawan ng kasama nitong si Llana.

Tumulong sa rescue operation ang mga kasapi ng MDRRMO at mga ma­ngingisda hanggang sa marekober ang bangkay ni Llana kinabukasan ng ala-1:30 ng hapon.  — Victor Martin

vuukle comment

ISU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with