Political bigwigs sa Cavite nagkaisa sa BBM-Sara tandem
MANILA, Philippines — Nagkaisa kahapon ang mga political bigwigs sa Cavite para sa tambalan nina UniTeam standard bearer Ferdinand Marcos Jr. at Lakas- CMD vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte, kasabay ng pangako na magde-deliver ng landslide victory para sa dalawa sa May 9, 2022 national polls.
“Nagsama kami ni Sen. Bong (Revilla) para siguraduhin na dito sa Dasmariñas at buong Cavite, ang susunod na vice president ay si Inday Sara Duterte,” pahayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla matapos na ipakilala si Duterte sa mga tao sa mini rally na ginanap sa Brgy. San Juan covered court na inorganisa nina Coun. Kiko Barzaga, Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga.
Sa rekord ng Commission on Elections, para sa May 9, 2022 polls, ang Dasmariñas City ay may 400,074 botante mula sa kabuuang 2.3 milyong registered voters sa buong Cavite na ikalawang “most vote-rich” province sa buong bansa.
Pinasalamatan ni Duterte ang mga supporters ng UniTeam sa lahat ng mga lokal na opisyal sa pagsuporta sa UniTeam at muling ipinaabot ang mensahe ng pag-asa, pagkakaisa at patriyotismo.
Inihayag naman ni Governor Remulla Remulla na solido ang Cavite sa kandidatura nina Marcos at Duterte sa UniTeam Alliance habang tiniyak ni Sen. Revilla ang “big win” ng “BBM-Sara” sa nalalapit na eleksyon.
- Latest