Nahuling walang helmet, ‘wanted’ sa murder
BATANGAS, Philippines — Kalaboso ang isang lalaking “wanted” sa kasong murder matapos masita sa isang checkpoint dahil sa walang suot na helmet sa Ibaan, Batangas Huwebes ng hapon
Kinilala ang suspek na si Ronilo Gallego, Rank No. 5 na “wanted person” sa Police Regional office (PRO)-4A at PRO 6 sa kasong murder.
Ayon sa report, pinara sa police checkpoint si Gallego sa Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas dahil walang suot na helmet bandang alas-3:11 ng hapon.
Iprinisinta naman ni Gallego ang kanyang driver’s license sa mga pulis, pero napansin nila na peke ang lisensya nito kaya iniimbitahan siya sa kanilang istasyon.
Sa beripikasyon ng pulisya, napag-alamang may nakabinbin palang warrant of arrest si Gallego mula kay Presiding Judge Dyna Doll Chiongson-Trocio ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 40 ng Silay City.
Naiisyu ang naturang warrant noon pang Hulyo 1, 2014 na walang inirekomendang kaukulang piyansa.
- Latest