‘Most wanted’ sa Calabarzon sa child sexual abuse, sakote
LAGUNA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang most wanted person (MWP) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) dahil sa pang-aabusong sekswal sa menor-de-edad sa isinagawang pagsalakay sa hideout nito sa bayan ng Santa Cruz, dito, kamakalawa.
Ayon kay Col. Rogarth Campo, Laguna police director, nakilala ang nadakip na MWP na si James Bon, alias “Jim”, 27-anyos, isang barker.
Si Bon ay naaresto ng mga operatiba ng Women and Children’s Protection Center Units sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. San Pablo Sur, Santa Cruz, Laguna noong Huwebes ng hapon.
Ang operasyon ay base sa inilabas na warrant of arrest nitong Marso 1, 2022 ng Regional Trial Court, Branch 26 sa Santa Cruz, Laguna laban sa naturang akusado dahil sa kasong paglabag sa anti-child abuse law, sexual abuse at crime of lascivious na may kaukulang piyansa na P2,000,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
- Latest