^

Probinsiya

Suporta sa mangingisda sa Cebu, tiniyak ni Loren

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Suporta sa mangingisda sa Cebu, tiniyak ni Loren
Partikular na sinadya ni Deputy Speaker Loren Legarda ang bayan ng Lilo-an, isang fishing community na matinding tinamaan ng super typhoon.
Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangi-ngisda at kanilang pamilya sa lalawigan ng Cebu ang isa sa mga prayoridad ni Deputy Speaker Loren Legarda na ngayo’y nagbabalik-Senado sa ilalim ng UniTeam Alliance.

Nangako ng patuloy na suporta ang beteranong mambabatas sa dalawang-araw niyang pagbisita sa Cebu, isa sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Partikular na sinadya ni Legarda ang bayan ng Lilo-an, isang fishing community na matinding tinamaan ng super typhoon.

Ani Legarda, dumapa ang kabuhayan ng mga mangingisda, magsasaka at ng kanilang mga pamilya matapos salantain ng bagyong Odette ang Cebu at malaking bahagi ng Kabisayaan.

Sakaling makabalik sa Senado, nangako si Legarda na titiyakin niyang mapopondohan ang mga programang pangkabuhayan para sa mga mangingisda na itinataguyod ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Department of Trade and Industry.

LOREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with