Hinamon ng hiwalayan ni misis: Mister naburyong sa selos, 2 anak kinatay!
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng magkapatid na paslit nang pagsasaksakin ng kanilang sariling ama na “naburyong” sa matinding selos nang hamunin ng hiwalayan ng misis nito kamakalawa ng umaga sa Davao City.
Dead-on-the-spot ang magkapatid na kinilalang sina Jessa May, 9 at John Victor Castro, 8 habang naaresto ang kanilang ama na si Pajarito Castro, 56, sidecar driver; pawang residente sa Purok. 11, Brgy. 39-D Boulevard, ng nasabing lungsod.
Lumilitaw sa report ng Davao City Police Office (DCPO) na naganap ang kirmen dakong 11:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-aama.
Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at misis nito na si Bername Ganzan, 32, nang hamunin ng ginang nang hiwalayan ang msiter.
Dito tila nawala sa katinuan ang mister nang makaramdam ng matinding selos dala ng duda na may ibang lalaki na ang kanyang asawa.
Ayon kay Ganzan, nagalit sa kanya si Castro kaya sinugod siya nito ng patalim subalit nailagan niya. Hindi umano niya inakala na ang kanilang dalawang anak ang pagbabalingan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Paliwanag naman ng mga kaanak ni Castro, nagpagalit sa suspek ang naka-post sa Facebook ni Ganzan na “mag-move-on” na ang suspek sa kanilang paghihiwalay dahil hindi na niya ito mahal.
- Latest