^

Probinsiya

Running gun battle sa Maguindanao: 5 holdaper ng restaurant, todas sa shootout!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Running gun battle sa Maguindanao: 5 holdaper ng restaurant, todas sa shootout!
Sa pahayag ni Col. Jibin Boncayao, director ng Maguindanao Provincial Police Office sa mga mamamahayag kahapon, ang nasabing mga robbery suspects ay pinamumunuan ng isang Mihares Manunggal na kasama sa mga idineklarang dead-on-the spot sa barilan dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang limang hinihinalang kasapi ng notoryus na robbery group nang makipagbarilan sa mga pulis habang tumatakas matapos nilang holdapin ang isang restaurant at tangayin ang cash collection nito sa Ampatuan, Maguindanao noong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ni Col. Jibin Boncayao, director ng Maguindanao Provincial Police Office sa mga mamamahayag kahapon, ang nasabing mga robbery suspects ay pinamumunuan ng isang Mihares Manunggal na kasama sa mga idineklarang dead-on-the spot sa barilan dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Bongcayao, unang nangholdap si Manunggal at kanyang mga kasamahan sa Hannan Restaurant sa Barangay Kauran, at tinangay ang perang koleksyon mula sa nagmamay-ari nito na si Emma Militon matapos siyang tutukan ng baril, bago nagsitakas ang lima lulan ng isang getaway vehicle.

Agad namang rumes- ponde ang mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at mga operatiba ng Ampatuan Municipal Police sa lugar at tinangkang harangin sa checkpoint sa Sitio Midpalao, Kauran ang sasakyan ng mga suspek subalit pagdating nila ay dire-diretso ang pagharurot ng kanilang sasakyan at pinaputukan ang mga operatiba.

Dito na nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang limang suspek na tadtad ng tama ng bala sa katawan.

Narekober ng mga imbestigador sa lugar ang .45 caliber pistol mula sa dalawa sa limang napatay na suspek.

Sinabi ni Boncayao na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng apat na kasamahan ni Manunggal na napatay sa nasabing engkuwentro.

MAGUINDANAO PROVINCIAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with