^

Probinsiya

Sortie ng ‘Frontliners ang Bida Partylist’ dinumog ng 10K katao

Pilipino Star Ngayon
Sortie ng âFrontliners ang Bida Partylistâ dinumog ng 10K katao
MMDA Spokesperson Celine Pialago poses on this photo uploaded on her Facebook page on Aug. 10, 2020.
Photo from Asec Celine Pialago - MMDA Spokesperson via Facebook

MANILA, Philippines — Dinumog ng mahigit 10,000 katao ang dalawang grand campaign sorties ng “Frontliners ang Bida Partylist” No. 111 sa bayan ng Rizal at siyudad ng Muntinlupa.

Ang naturang grand campaign sortie ay pinamagatang “Pasasalamat sa mga Frontliners at Barangayan.”

Ayon sa dating tagapagsalita ng MMDA na si Asec. Celine Pialago, nasa proseso ng pagiging nominee ng natu­rang party-list, hindi niya inaasahan ang mainit na suporta na kanilang natanggap sa kauna-unahang campaign rally.

“Nakaka-overwhelm po ang suportang aming tinanggap. Hindi po namin inexpect na magi­ging ganoon karaming taga suporta ang sasamahan kami sa sortie namin sa Rizal at Muntinlupa,” saad niya. “Batay po sa mga awtoridad, mahigit 10,000 katao ang lumahok sa aming dalawang grand sortie. Mahigit 5,000 sa Rizal, at lagpas 5,000 din sa Muntinlupa.”

Labis naman siyang nagpasalamat sa kanyang mga taga suporta na hindi siya iniwan kahit na lumipat na siya sa Frontliners ang Bida Party-list No. 111, matapos hindi isama ng Commission on Elections (Comelec) ang Malasakit Movement Party-list sa balota kahit may nakatalaga na itong numero. Saad ni Pialago, naging maayos ang kanilang campaign sortie sa Rizal at Muntinlupa dahil sa kanilang paulit-ulit na pinaalalahanan ang kanilang mga tagasuporta na mahigpit na sundin ang minimum health and safety protocols.

CELINE PIALAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with