^

Probinsiya

Sex den sinalakay: 2 timbog, 3 nasagip

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang boarding house na ginagawa umanong sex den ang sina­lakay ng mga awtoridad sanhi ng pagkakasagip ng tatlong babae at pagkakaaresto ng tatlo katao kabilang ang isang babaeng negosyante sa Barangay Bonfal Proper ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Jualita Morales, 40, negosyante ng Brgy. Dita, Sta. Rosa, Laguna; Paul Butal Jr., 47, ng Brgy. Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya at Ashley Santos, 20, ng Tangos South, Navotas City.

Ayon kay P/Maj. Jesus Ventura, hepe ng Bayom­bong Police, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa ginagawang pambubugaw umano ng mga suspek sa ilang kababaihan na dinadala sa isang boarding house na ginagawang sex den motel.

Dahil dito, agad na naglatag ng entrapment ope­ration ang pinagsanib na puwersa ng Bayombong Police, Regional Group of Special Concern, Provincial Inteligence Unit, PNP 1st PMFC, Department of Justice at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at nagpanggap na kostumer ang isang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek. Nasagip sa operasyon ang tatlong kababa­ihan na nagkakaedad, ng 18, 19 at 23.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with