1-anyos biglang tumawid, pisak sa SUV
CALAUAG, Quezon, Philippines — Napisak ang katawan at namatay noon din ang 1-taong gulang na batang babae matapos mabangga at masagasaan ng isang SUV nang biglang tumawid sa Barangay Sabang ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Wendy Rose Lozares, residente ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng hapon ay bigla na lang tumawid ang bata sa Bonifacio Street. Hindi na naiwasan ng seaman na si Gil Gomez na nagmamaneho ng Mitsubishi Xpander ang paslit sanhi upang masagasaan.
Agad na isinugod ang biktima sa St. Peter General Hospital ngunit idineklara ng sumuring doktor na dead-on-arrival.
- Latest