Klase sa Bataan suspendido ng 2-linggo
SAN FERNANDO CITY, Pampanga, Philippines — Suspendido ang klase sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas sa Bataan sa loob ng dalawang linggo simula Enero 16 hanggang 28 dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Inanunsyo kahapon ni Bataan Gov. Albert Garcia ang class suspension matapos na maglabas si Assistant Schools Division Superintendent Roland Fronda ng division memorandum na nagsususpinde ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni Garcia na ang mga pribadong paaralan ay maaari ring magdeklara ng suspension sa pakikipagkonsultasyon sa parents association at opisyales ng mga paraalan.
Sa ilalim ng naturang memorandum, ang lahat ng klase anuman ang modality, submission ng academic requirements at iba pang aktibidad na may kinalaman sa pagtuturo kabilang na ang second quarter examination, ay postponed ng dalawang linggo.
- Latest