^

Probinsiya

Pedestrian ­nabundol ng ­motorsiklo, dedbol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pedestrian ­nabundol ng ­motorsiklo, dedbol
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Cesar Ogario, habang sugatan at nilalapatan din ng lunas sa pagamutan ang rider na nakilalang si Jesson Caliao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang lalaki nang ito ay mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Cesar Ogario, habang sugatan at nilalapatan din ng lunas sa pagamutan ang rider na nakilalang si Jesson Caliao.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa East bank Road, kanto ng Robin St., Anak Pawis, Brgy. San Juan, sa Cainta.

Nauna rito, naglalakad na pauwi ng kanilang tahanan si Ogario at habang tumatawid sa East bank Road ay bigla na lang siyang mabundol ng motorsiklo na minamaneho ni Caliao.

Sa lakas nang pagkasalpok ay kapwa bu­magsak at nagpagulong-gulong sa kalsada ang biktima at suspek na kapwa nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang ba­hagi ng kanilang katawan.

Nagpapagaling pa naman ng kanyang sugat ang suspek, na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

vuukle comment

CAESAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with