^

Probinsiya

Water tank sumabog: Operator dedo, 5 sugatan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Water tank sumabog: Operator dedo, 5 sugatan
Kinilala ang nasawi na si Ryan Mangio, ­operator, habang sugatan ang dalawang kawani ng water district na sina Eduaro Carpio, tubero, Ricardo Sulit, operator na nasa lugar, residenteng sina Milagros Tionglo, kanyang kasambahay at isang Jomar Esteban.
STAR/ File

2 pang bahay, mga sasakyan nasira

BULAKAN, Bulacan, Philippines — Patay ang isang lala­king operator habang lima pa ang sugatan matapos sumabog ang steel bol­ted water tank ng Water District na ikinawasak ng dalawa pang bahay at tinangay ng matin­ding agos ng tubig ang mga sasakyan sa nasabing bayan kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Mangio, ­operator, habang sugatan ang dalawang kawani ng water district na sina Eduaro Carpio, tubero, Ricardo Sulit, operator na nasa lugar, residenteng sina Milagros Tionglo, kanyang kasambahay at isang Jomar Esteban.

Sa Facebook live ng isang residente ng Pa­ngulang, Brgy. Bagumbayan, sinabing pasado alas-6:00 ng umaga nang gulantangin siya ng isang malakas na pagsabog na ‘di kalayuan sa kanyang bahay.

Makikita sa video na patuloy ang agos ng tubig sa kalye habang isang motorsiklo, tricycle at isang van ang tinangay sa gitna ng sapa sa lugar. Isang lalaki rin ang makikitang nakadapa na nakilalang si Esteban na nanghihina sa gilid ng sapa at halos hindi makagalaw dahil sa tinamong pinsala sa katawan bunsod ng pagsabog ng tangke ng tubig.

Base sa video, nadaganan ng bahagi ng pader si Esteban na naunang isinugod ng mga rescuer sa pagamutan.

Sa impormasyon, na­sugatan naman si Milagros sa ulo nang tangayin ng malakas na agos mula sa kanilang kuwarto su­balit mabilis na nayakap at nasagip ng kasambahay na kapwa sugatan din sa insidente.

Humingi naman ng suporta ang Bulakan rescuer sa 911 para hanapin ang sinasabing si Mangio na kasamang tinangay ng mga sasakyan sa sapa.

Habang sinusulat ang balitang ito, narekober na ng mga rescuer ang katawan ni Mangio na wala nang buhay na hinihinalang nadaganan ng sasakyan hanggang sa malunod sa naturang sapa.

Dahil sa nangyaring pagsabog ng water tank, apektado na ang suplay ng tubig ng mga residente sa nasabing bayan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung may kinalaman ang “over pressure” sa pagsabog ng tangke ng tubig.

RYAN MANGIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with