^

Probinsiya

Truck at multicab nagsalpukan: 2 patay, 15 sugatan

Ben Serrano - Pilipino Star Ngayon
Truck at multicab nagsalpukan: 2 patay, 15 sugatan
Ayon sa ulat ng Butuan City Police, ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Alegi Ybanez Bawiga, 21, driver ng passenger multicab, residente ng Barangay Matabao, Buenavista, Agusan del Norte, at Irish Salva, 45, ng Barangay Dumalagan, Butuan City at isa sa 15 pasahero ng nasabing multicab.
STAR/ File

BUTUAN CITY , Philippines — Dalawa ang patay habang 15 katao ang sugatan kabilang ang tatlong nasa intensive car unit matapos na magsalpukan ang isang cargo forwarder truck at multicab na puno ng pasahero sa national highway malapit sa boundary ng Buenavista, Agusan del Norte at Butuan City kamakalawa.

The area where the freak road mishap took place was along busy national highway, Purok 8 Barangay Bancasi , BUTUAN CITY.

Ayon sa ulat ng Butuan City Police, ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Alegi Ybanez Bawiga, 21, driver ng passenger multicab, residente ng Barangay Matabao, Buenavista, Agusan del Norte, at Irish Salva, 45, ng Barangay Dumalagan, Butuan City at isa sa 15 pasahero ng nasabing multicab.

Lumalabas sa ­inisyal na imbestigasyon na ang Elf Cargo Forwarder (MAG 2724) ay patu­ngong Butuan City habang ang multicab ay sa direksyon papuntang Nasipit, Agusan del Norte nang magbanggaan.

Nabatid na kabilang sa mga malubhang nasugatan at kasaluku­yang inoobserbahan sa ospital ang driver ng cargo forwarder na si Glenn Helig Vicente, 42, ng Barangay San Vicente, Butuan City.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with