Evacuees ng bagyong Odette negatibo sa COVID-19 -NDRRMC
MANILA, Philippines — Bagama’t sama-sama sa mga evacuation centers matapos magsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Odette, negatibo sa COVID-19 ang daan-daang evacuees sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), wala silang naitalang coronavirus disease (COVID-19) infections sa mga evacuees.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, wala silang natanggap na anumang ulat hinggil sa posibleng hawaan ng virus.
Gayunman, patuloy aniya ang kanilang paalala sa mga local government units (LGUs) na tiyakin na nasusunod ang minimum public health standards sa mga evacuation centers.
Sakali umanong magkaroon ng kaso ng COVID-19 o makaramdan ng sintomas ng virus sa evacuation centers, agad itong ipagbigay-alam sa mga kinauukulan.
Mahigit isang libong evacuation centers ang nananatiling bukas matapos manalasa ng bagyong Odette sa VisMin.
- Latest