^

Probinsiya

3 sugatan sa pagsabog ng Granada

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 sugatan sa pagsabog ng Granada
Sa ulat, magkakasamang naglalakad ang tatlong biktima sa national highway patungo sa tindahan na sakop ng nasabing barangay nang may naghagis umano ng granada sa kanila ng isang lalaki na agad tumakas.
STAR/File

MATALAM, North Cotabato, Philippines — Tatlo ang nasugatan kabilang ang isang 10-anyos na bata nang sumabog ang pinaghihinalaang granada sa tabing kalsada sa Barangay Kilada, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Elizabeth at Florencio Wahing, at ang paslit na kanilang anak matapos na sila ay magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang katawan mula sa shrapnel ng granada.

Sa ulat, magkakasamang naglalakad ang tatlong biktima sa national highway patungo sa tindahan na sakop ng nasabing barangay nang may naghagis umano ng granada sa kanila ng isang lalaki na agad tumakas.

Ayon naman kay Major Junrel Amotan, hepe ng Matalam municipal police station, na bago naganap ang paghagis ng granada ay mayroon umanong naganap na barilan sa lugar.

Inaalam pa ng mga police ordnance experts kung granada o home-made explosive ang gi­­na­­mit sa pag-atake.

ELIZABETH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with