^

Probinsiya

Rider lasog sa sumemplang na motor

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 24-an­yos na binatang rider matapos sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-3, Brgy. Anislag ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Dead-on-the-spot dahil sa matinding pinsala at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si David Maso Madon, residente ng Brgy. Malo­bago.

Sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling­ araw, mabilis na binabagtas ng Suzuki motorcycle (IW-8884) ng biktima ang kahabaan ng highway patungong poblacion. Gayunman, aksidente itong sumabit sa “cordon line” ng kalsada dahilan para mawalan ng kontrol at tumilapon ang biktima ng halos may 50 metro at humampas ang katawan nito sa semento.

Isusugod pa sana sa pagamutan ang biktima ng mga rumespondeng residente at opisyal ng barangay pero wala na siyang buhay.

vuukle comment

ANISLAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with