^

Probinsiya

Top performing LGU Balanga City kinilala, tumanggap ng P1 milyong incentive

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang City of Balanga sa Bataan bilang top-performing local government unit (LGU) sa 2020 Fishe­ries Compliance Audit (FishCA) National Validation dahil sa exemplary practices nito sa rehabilitasyon at preserbasyon sa Manila Bay watershed area.

 Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, naiuwi ng City of Balanga ang cash incentive na P1-mil­yon matapos na makakuha ng pinakamataas na iskor sa FishCA National validation.

Bukod naman sa Ba­langa, pinuri rin ni Año ang iba pang LGUs na nakakuha ng mataas na puwesto sa 34 coastal LGUs sa Regions III, IV-A, at National Capital Region (NCR), na nakakasakop sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) sa isinagawang regional validation. 

Kabilang din sa top LGUs ay ang bayan ng Orion sa Bataan, Sasmuan sa Pampanga; Samal, Bataan at Navotas City. “Tunay na kahanga-hanga ang limang LGUs na ito na nagpamalas ng matino, mahusay at maaasahang panganga­laga ng kanilang nasasakupang municipal waters na malaking bagay at tulong sa rehabilitation at preservation ng Manila Bay watershed area na bahagi ng kani-kanilang hurisdiksyon,” ani Año.

 Sinabi pa ng DILG Secretary na mahalaga na i-highlight ang vital role ng coastal LGUs sa Manila Bay watershed area sa pangangasiwa sa municipal waters, partikular na sa natitirang resources, na nagbibigay ng malaking benepisyo sa komunidad.

 Tinukoy pa niya na ang Manila Bay ay nananatili pa ring pangunahing pinagkukunan ng pagkain o fishery products sa wet markets ng iba’t ibang LGUs, source ng livelihood sa fishing communities, at tahanan sa mga marine species.

INCENTIVES

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with