Prostitution den sa Baguio ni-raid: 10 bebot nasagip
MANILA, Philippines — Nasa 10 kababaihan na pawang nagtatrabaho sa isang night club na sinasabing pugad ng prostitusiyon ang nailigtas ng mga awtoridad sa isinagawang pagsalakay sa Baguio City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Arestado naman ang mga amo ng mga biktima na sina Louie Jamora Macatuno, residente ng Las Piñas City at Roldan Mangila Dela Cruz, nakatira sa Caloocan City.
Sa ulat, sinalakay ng special surveillance group ng mga pulis ang isang night club at dito nakita ang malalaswang babaeng nagsasayawan sa entablado.
Naabutan pa ng mga pulis ang isa sa mga parokyano sa VIP room kung saan umano nangyayari ang prostitusyon. May nag-aalok din umano doon ng iligal na droga.
Nasagip sa operasyon ang 10 babae sa night club at nasa kustodiya na sila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inaresto naman ang manager at ang floor manager ng club. Pero, iginiit nila na walang prostitusyon at malaswang sayawan sa kanilang club.
Nahaharap ngayon sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 sina Macatuno at Dela Cruz.
Irerekomenda ring ipasara ang naturang night club at tanggalan ng permit.
- Latest